Ang korapsyon sa
mga local government unit, ahensya at government attached business
corporation ay tila, wala nang katapusan.
Nakahihiyang sabihin at
tawagin na inutil ang gobyerno sa pagsugpo sa lumalalang katiwalian, pero iyan
ang buhay na katotohanan.
Ang nakaraang mga
Pangulo ng bansa ay nagdeklara ng ‘giyera’ laban sa mga magnanakaw na opisyal
at kawani ng gobyerno.
Pero ang malungkot na
katotohanan – wala kahit isa sa kanila ang nagtagumpay para masawata ang
problemang korapsyon.
Aalisin ko ang Korapsyon”Isa yan sa madalas nating mapakinggan ngayong panahaon ng kampanya. Madami ang nagsasabi at nangangako na susugpuin nila ang korapsyon kapag sila ay nahalal sa puwesto. tingnan natin ng mabuti.Ang korapsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Halos maging synonyomous na nga ang dalawa. At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.”Sabi ng guro ko sa Araling Panlipun, nag-ugat daw ito noong panahon ng mga Kastila at ito ay depekto ng kanilang pananakop sa atin. Isang sugat sa ating kultura at kaugalian na malalim ang pinagmulan. Kumbaga ay kasama ng dumadaloy sa ating sistema.Marami na ang nagtangkang sugpuin ang korupsyon. Mayroon pa ngang PCGG (Presidential Comission on Good Governance). Marami na rin ang kilusan at mga NGO na nagsisilbing watchdog against corruption. Pero bakit buhay at andiyan pa rin sa sistema ang korapsyon? siguro dahil sa mga taong pilit na pinababayaan ang gobyerno na magpuslit ng ating sariling kaban. Wala silang magawa, dahil alam nila nawala silang kalaban-laban.Ano ang punto ko? Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.Sa makatuwid, ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon!